^

Metro

Pulis, 1 pa sa 'hulidap', timbog

-
Arestado ang isang pulis kasama ang isa pang lalaki sa isinagawang entrapment operation ng pulisya makaraang dukutin ng mga ito at ipatubos sa halagang P15,000 ang isang driver sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong City Police ang mga suspect na sina PO1 Francisco Castillo, 30, nakatalaga sa Anti-Carnapping Unit ng Mandaluyong Police at Eduardo Escarpe, 52, volunteer civilian agent at residente ng Talumpong St., Barangay Malamig ng nasabing lungsod.

Ang dalawa ay kapwa sinampahan ng kasong abduction makaraang dukutin ng mga ito ang biktimang si Joel Cawad, 28, tricycle driver.

Sa ulat ng pulisya, bigla na lang hinuli ng mga suspect ang biktima sa isang tindahan sa Calbayog St., Barangay Highway Hills dakong alas-11:45 ng umaga noong Disyembre 20 at inakusahan itong nagbebenta ng shabu.

Pilit umanong isinakay ang biktima sa isang kulay pulang Honda Civic subalit imbes na dalhin sa presinto ay inikut-ikot lamang ito sa likod ng city hall.

At pagkatapos ay hiningi ni Castillo ang numero sa cellphone ng misis ng biktima at saka tinawagan at humihingi ng halagang P20,000 kapalit ng kalayaan ng mister.

Tumawad naman ang misis sa halagang P15,000 at pumayag naman ang mga suspect.

Itinakda ang bayaran sa kanto ng Cordillera, subalit lingid sa kaalaman ng mga suspect ay humingi ng tulong sa kagawad ng pulisya ang misis ng biktima.

Timbog ang pulis at ang kasama nito habang inaabot ang marked money sa misis ng biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

ANTI-CARNAPPING UNIT

BARANGAY HIGHWAY HILLS

BARANGAY MALAMIG

CALBAYOG ST.

EDUARDO ESCARPE

EDWIN BALASA

ERICSON VELASQUEZ

FRANCISCO CASTILLO

HONDA CIVIC

JOEL CAWAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with