Army colonel patay sa ambush
December 24, 2003 | 12:00am
Inambus at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect ang isang Army colonel kahapon ng umaga sa Quezon City.
Nakilala ang biktima na si Col. Raul Heredia, 50, instructor din sa National Defense College.
Si Heredia ay namatay habang ginagamot sa Quirino Labor Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.
Napag-alaman kay Supt. Agustin Cabales, naganap ang pamamaslang sa naturang colonel dakong alas- 6:30 ng umaga kahapon sa Luciano St., Barangay Masagana, Project 4, Quezon City.
Ayon sa ulat, lulan ang biktima sa kanyang Toyota Corolla (XKS-517) papunta sa kanyang mga magulang para dalawin ang mga ito nang biglang harangin ng isang armadong lalaki.
Walang sabi-sabi itong pinaulanan ng bala ng baril at pagkatapos ay mabilis naman itong sinundo ng isa pang suspect na nakasakay sa motorsiklo at saka mabilis na nagsitakas.
Agad namang isinugod ng ilang nakasaksi sa pagamutan ang biktima subalit hindi nakaligtas sa kamatayan.
Hindi pa rin mabatid kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang kay Heredia.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol sa pangyayari.(Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest