^

Metro

Holdaper/killer ng Taiwanese tiklo

-
Naaresto na rin ng pulisya ang itinuturong pumatay at nangholdap sa isang negosyanteng Taiwanese matapos ang isang operasyon, kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang suspect na si Edwin San Diego, binata, walang trabaho at residente ng #589 Arellano Zobel, Palanan, Makati City.

Positibo itong itinuro ni Chan Chi Chang, 23, ng #801 Cataluña St., Sampaloc, na siyang bumaril sa kanyang kasamahan na si Wen Chu Yang, ng #1813 7th Floor Townhouse Bldg., M.H. del Pilar St., Malate.

Ayon kay WPD-Homicide chief Sr. Insp. Alex Yanquiling, napag-alaman nila na nakaistambay sa Arellano St., Singalong, Malate si San Diego kasama ang lima pang lalaki dakong alas-4:30 ng madaling-araw nitong Disyembre 17 at naghihintay ng kanilang mabibiktima.

Nakita nila ang dalawang Taiwanese na sumakay sa isang pampasaherong jeep na kanila namang sinundan.

Dito sila nagdeklara ng holdap ngunit pumalag si Yang kaya ito binaril ng suspect at matagumpay na natangay ang US$13,000 halaga ng cash at mga alahas.

Kasamang nasakote ni San Diego ang lima pang lalaki ngunit pinakawalan din ng pulisya nang kilalanin lamang ni Chang ang suspect.

Nahaharap sa kasong robbery with homicide ang suspect na nakakulong ngayon sa Manila Integrated Jail. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALEX YANQUILING

ARELLANO ST.

ARELLANO ZOBEL

CHAN CHI CHANG

DANILO GARCIA

EDWIN SAN DIEGO

FLOOR TOWNHOUSE BLDG

MAKATI CITY

MANILA INTEGRATED JAIL

SAN DIEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with