Killer ng pamangkin ni Ricky Reyes timbog
December 22, 2003 | 12:00am
Matapos ang ilang buwang pagtatago, nadakip na rin ng mga elemento ng Western Police District (WPD) ang gunman sa pagpaslang sa pamangkin ng sikat na hairstylist na si Ricky Reyes, kahapon ng madaling-araw.
Nasakote ng tauhan ng WPD-Homicide Division sa isang hide-out sa Las Piñas City ang suspect na si Jomar Renamantao, 23.
Ito ang itinuturong gunman sa pagpaslang kay Christian Reyes, 20, La Salle student at pamangkin ni Ricky Reyes.
Una nang naaresto ng pulisya ang tatlong suspect na sina Roberto Vargas alyas Putol, Richard Flores at Bernie Solis habang pinaghahanap pa ang mga kasamahan nilang sina Jeffrey Renamantao at Robertson Crespo.
Naipit sa traffic light ang biktima noong Nobyembre 20 sa Quirino Avenue, Malate sakay ng kanyang Honda CRV nang lapitan ng mga suspect at pilit na inaagaw ang kanyang cellphone. Nabatid na tumanggi ang biktima kaya ito pinagbabaril ng mga suspect.
Nabatid kay Sr. Insp. Alex Yanquiling, napag-alaman nila sa kanilang intelligence gathering na nagtago ang suspect sa bahay ng kanyang mga magulang sa Molino 1, Cavite.
Nagbago naman ng hide-out ang suspect nang matunugan nito ng tangkang pag-aresto sa kanya ng pulisya kung saan lumipat ito sa Las Piñas.
Nagawa pa rin namang matunton ng pulisya ang pinagtataguan ng suspect kung saan sinalakay nila ang hide-out nito matapos ang ilang araw na surveillance operation. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended