Kinantiyawang supot ang baril, lalaki nagbaril sa sarili
December 22, 2003 | 12:00am
Kamatayan ang sinapit ng isang lalaki matapos na mabaril ang kanyang sarili sa dibdib nang sadyain umano nitong magbaril upang patunayan sa mga nangangantiyaw na kainuman na hindi supot ang kanyang baril, kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa University of Santo Tomas Hospital ang biktimang nakilalang si Jaime Rivera, 55, may asawa at residente ng #2012 Piy Margall St., Sampaloc.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan sa WPD-Homicide Division ang dalawang kainuman ng biktima na sina Edgar Perez, 32, at Rogelio Gapiz, 22, ng Anakbayan St., Paco.
Sa imbestigasyon ni Det. Virgo Villareal, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa loob mismo ng bahay ng biktima kung saan nag-iinuman ang tatlo.
Nagyabang umano ang biktima nang ilabas nito ang kanyang kalibre .38 baril at nilagyan ng tatlong bala. Ipinutok nito ang una na tumama sa bintana ng bahay ngunit tatlong beses na pumalpak nang muli nitong kalabitin.
Tinukso pa ng dalawa nitong kainuman ang suspect na supot ang kanyang baril. Dito umano nainis ang biktima at itinutok sa sarili ang baril upang patunayan na pumuputok nga ito.
Hindi naman ito nagkamali sa hinala nang pumutok nga ang baril nang kanyang kalabitin kung saan tinamaan siya sa dibdib sanhi ng kanyang kamatayan.
Hindi naman inaalis pa ng pulisya na posibleng nagkaroon ng foul play sa krimen kung saan naghahanap pa ng dagdag na mga saksi upang maliwanagan ang kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest