5 hijacker timbog
December 20, 2003 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng Parañaque Police ang limang lalaking sangkot sa pangha-hijack sa isang cargo truck na naglalaman ng Avon product at assorted pharmaceutical medicine na pag-aari ng Zuellig Pharmaceutical na tinatayang aabot sa P4.2 milyon ang halaga, kamakalawa sa nasabing lungsod.
Kinilala ni Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque Police ang mga nadakip na suspect na sina Ronald Castillo, 37; Honorato Suarez, 36; Julio de Dios, 54; Arman Gabungal, 40 at Joseph Yang, 38, na nagsisilbing lider at financier ng naturang grupo.
Samantala, ang nagharap naman ng reklamo ay nakilalang si John Paul George Malgazon, 25, assistant operation manager at representative ng XIMEX Delivery Express na matatagpuan sa Tambo, Parañaque.
Ayon kay Estilles, dakong alas-11:30 ng gabi nang i-hijack ng mga suspect ang isang 14-footer van na minamaneho ni Edito Suyang, 41, na naglalaman nga ng mga Avon products.
Tinutukan nito ang driver at mga pahinante at saka puwersahang tinangay ang truck. Natiyempuhan naman sila ng mga nagpapatrulyang pulis na nagresulta sa pagkaaresto sa mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest