^

Metro

Vendor nag-amok: 4 patay

-
Apat katao ang namatay kabilang ang lalaking sinapian umano ng masamang espiritu na bigla na lang nag-amok na ikinasugat din ng labingdalawa pa, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Kinilala ni Supt. Ericson Velasquez, hepe ng Mandaluyong police ang mga biktima na sina Pedro dela Cruz; Charles Ramirez, 52, at isang hindi pa kilalang fishball vendor na pawang namatay habang ginagamot sa Mandaluyong City Medical Center. Nagtamo ang mga ito ng mga taga at saksak sa kani-kanilang katawan.

Nasawi rin ang nag-amok na suspect na si Jerry Rio, 29, tubong Matnog, Sorsogon at pansamantalang naninirahan sa 537 Interior 1 Nueve de Pebrero St., ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang bigla na lang umanong magwala ang suspect sa loob ng kanilang bahay. Kakaiba umano ang itsura nito na parang sinapian ng masamang espiritu at pagkatapos ay biglang kumuha ng itak at kutsiyo at saka unang sinaksak ang natutulog nitong tiyuhin na si Miguel Gabas.

Mabilis itong lumabas ng bahay hawak sa magkabilang kamay ang patalim at itak at saka pinagtataga ang lahat ng kanyang makasalubong.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mga pulis na sila namang binalingan ng suspect at tangkang sugurin.

Dahil dito, napilitan na ang mga pulis na puntiryahin ng putok ang nagwawalang suspect.

Nabatid ng pulisya sa live-in partner ng suspect na si Conni Padison na kakarating lang nila ng Maynila galing sa Matnog, Sorsogon upang pagbakasyunin ang suspect na umano’y kinakikitaan na sa lalawigan ng kakaibang kilos. Sinasabing posibleng kinukulam o sinasapian ng masamang espiritu ang nasawing suspect na dahilan ng pag-aamok. (Ulat ni Edwin Balasa)

CHARLES RAMIREZ

CONNI PADISON

EDWIN BALASA

ERICSON VELASQUEZ

JERRY RIO

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MATNOG

MIGUEL GABAS

PEBRERO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with