'Bonnet Gang' sumalakay: Sekyu patay
December 19, 2003 | 12:00am
Muli na namang umatake ang kilabot na grupo ng Bonnet gang kung saan isang security guard ang agad na nasawi makaraang pagbabarilin ito ng tatlong armadong miyembro ng nasabing grupo na sumalakay at nangholdap sa isang drug store, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.
Kinilala ni P/Supt. Valdemor Beltran, hepe ng Navotas City Police ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang parte ng katawan na si Erano Bringas, miyembro ng Accurate Security and Investigation Agency Inc.
Batay sa ulat, dakong alas-9:15 nang biglang salakayin ng mga suspect na pawang nakasuot ng bonnet ang Sta. Teresita Drug Store and Mini Mart na matatagpuan sa Agora Market, NBBS, Navotas City kung saan una umanong niratrat ng isa sa mga suspect ang nabanggit na security guard na noon din ay binawian ng buhay.
Habang duguan at wala ng buhay na tumimbuwang ang sekyu ay agad na tinutukan ng mga suspect ang cashier ng nasabing establisimento na kinilalang si Russel Lagco, sabay limas ng mga salapi sa kaha na nagkakahalaga ng P7,172.00.
Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga suspect patungo sa di-mabatid na direksyon.
Isang masusing imbestigasyon at manhunt operation naman ang kasalukuyang ginagawa ng mga awtoridad para sa agarang ikadarakip ng mga suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest