Taiwanese patay sa holdaper
December 19, 2003 | 12:00am
Isang Taiwanese national ang binaril at napatay ng dalawang lalaking humoldap sa kanya, kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Wen Huan Yang, alyas Peter, 33, at pansamantalang naninirahan sa 1818 Townhouse Bldg., 7th Floor, M. H. Del Pilar St., Malate.
Dumulog sa WPD headquarters ang kaibigan ng biktima na si Shan - Chi Chang, 23, estudyante at residente ng B2-801 Catluna St., Sampaloc, Maynila upang ireport ang nangyari.
Ayon kay Chang, naganap ang insidente dakong alas- 4:45 ng umaga sa loob ng isang pampasaherong dyip na sinakyan nila ng kanyang kaibigan sa Arquiza St. sa Malate.
Malapit na umano silang bumaba ng sasakyan ng magdeklara ng holdap ang mga suspect.
Dahil sa matinding takot mabilis na tumalon si Yang palabas ng sinasakyan kaya binaril ito ng isa sa mga suspect at tinamaan sa kanang bahagi ng katawan na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Natangay mula sa biktima ang mga alahas na tinatayang aabot sa humigit-kumulang P465,000.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente at ang pagtugis sa mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am