1 kilo ng shabu nasabat sa checkpoint
December 19, 2003 | 12:00am
Tatlo katao kabilang ang isang kilabot na drug pusher ang dinakip ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Pasay City Police makaraang makumpiskahan ng isang kilo ng shabu sa upuan ng kotse makaraang sumailalim sa checkpoint inspection sa panulukan ng F.B. Harrison at Gil. Puyat Ave., kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Kinilala ni Senior Supt. Oscar Catalan, hepe ng pulisya sa Pasay City ang mga suspect na sina Rolando Pineda, 52, kilalang tulak sa Pasay City; Michael San Juan, 36, at Cynthia Coderes, 41.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11 kamakalawa ng gabi nang maispatan ng Pasay Police ang isang tinted Toyota Corolla model 1977 na walang plaka sa panulukan ng F.B. Harrison at Gil Puyat Avenue.
Nilapitan ng mga pulis ang naturang sasakyan upang beripikahin ang mga papeles nito subalit napuna ng mga police officer na hindi mapalagay ang tatlong sakay ng kotse kaya pinababa ang tatlo at nag-search sa loob ng sasakyan.
Nakumpiska sa mga suspect ang isang kilo ng shabu na itinago sa ilalim ng upuan ng kotse. Gayunman, may hinala ang pulisya na carnap vehicle din ang sinasakyan ng mga suspect.
Ang tatlo ay agad na sinampahan ng kaukulang kaso at walang inirekomendang piyansa ang piskalya para sa pansamantalang paglaya ng mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am