^

Metro

Hepe ng Pasay police namimiligro dahil sa raffle ticket

-
Nasa ‘hot water’ ngayon ang hepe ng Pasay City Police matapos na madiskubre ang fund-raising activity hinggil sa umano’y illegal na pagbebenta ng raffle tickets na ipinag-utos nito para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesman P/Sr. Supt. Joel Goltiao, ipinag-utos na ni PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane Jr. na siyasatin ang umano’y illegal na aktibidad ni Pasay City Police Chief Sr. Supt. Oscar Catalan.

Nakatakda nang imbitahan ni Directorate for Investigation and Detective Management sa pamumuno ni P/Director Eduardo Matillano si Catalan para sagutin ang paratang laban sa kanya.

Sinabi ni Goltiao na nagpalabas na ng babala si Ebdane sa lahat ng hepe ng pulisya na mahaharap sila sa mga kasong administratibo sa sandaling madiskubreng nilalabag nila ang direktiba.

Napaulat na namahagi raw ng tig-iisang booklet ng raffle tickets si Catalan sa 10 himpilan ng Pasay City PNP. Bawat booklet ay nagkakahalaga raw ng P20,000.

Ang malilikom na pondo mula sa mga nabentang raffle tickets ay gagamitin umano sa Christmas party ng lahat ng Pasay City Police stations. (Ulat ni Joy Cantos)

CHIEF DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR.

DIRECTOR EDUARDO MATILLANO

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

JOEL GOLTIAO

JOY CANTOS

OSCAR CATALAN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY POLICE CHIEF SR. SUPT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SPOKESMAN P

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with