^

Metro

Parañaque City 2 distrito na

-
Ikinatuwa kahapon ni Parañaque Rep. Eduardo Zialcita ang ginawang paglagda ni Pangulong Gloria Arroyo sa panukalang batas na maghahati sa Parañaque bilang dalawang distrito.

Ayon kay Zialcita, hindi lamang ang mga namumuno sa Parañaque ang may gusto na hatiin na sa dalawang distrito ang lungsod kundi mismong taga-Parañaque na unang makikinabang dahil magkakaroon na sila ng dalawang kinatawan sa Kongreso.

Nilagdaan kahapon ni Pangulong Arroyo ang Republic Act 92291 na nagdedeklara sa Parañaque bilang highly urbanized city.

Idinagdag ni Zialcita na mas maraming proyekto ang mapupunta sa Parañaque dahil sa nasabing batas.

Kabilang sa mga barangay na mapapabilang sa first district ay ang Baclaran, Tambo, Vitales, Sto. Niño, Dongalo, La Huerta, San Dionisio at San Isidro. Samantalang ang ikalawang distrito ay binubuo ng barangays BF Homes, San Antonio, Sun Valley, San Martin de Porres, Don Bosco, Merville, Marcelo Green at Moonwalk. (Ulat ni Malou Rongalerios)

DON BOSCO

EDUARDO ZIALCITA

LA HUERTA

MALOU RONGALERIOS

MARCELO GREEN

NTILDE

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA ARROYO

REPUBLIC ACT

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with