Murder iniharap sa dalagang nagpapatay sa boyfriend
December 18, 2003 | 12:00am
Sinampahan kahapon ng kasong murder ang isang dalaga makaraang ipapatay umano nito ang kanyang boyfriend na natagpuan kamakailan sa loob ng isang kahon ng telebisyon at saka itinapon sa madamong lugar sa bayan ng Taguig.
Sinasabing ayaw itong pakasalan ng biktima kung kaya ipinag-utos nito ang pagpaslang dito.
Ang sinampahan ng kasong murder sa Rizal Provincial Prosecutors Office ay si Carla Lopez, 20, ng Boungainvilla Mansion, P. Tuazon, Cubao Quezon City. Ito ay patuloy pa ring nakakalaya.
Samantala, nakilala naman ang pinaslang na biktima na si Joseph Leelin Jr., 17, estudyante ng Unit 27, Chantilly Villas Busilak St., Mandaluyong City na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan na inilagay sa isang malaking kahon at saka itinapon.
Ayon sa Taguig Police, nalaman nila na ang suspect ang huling kasama ng biktima bago noong Disyembre 3 ng taong kasalukuyan dakong alas-10:45 ng gabi matapos na sunduin ito ng dalaga sa bahay sa Mandaluyong City lulan ng isang kulay green na kotseng walang plaka.
Sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Jomel nang huling sunduin ni Carla ang biktima ay may kasama itong driver na dati naman na hindi nito ginagawa. Hindi rin umano ito bumaba ng kotse gayong sa tuwing ito ay pumupunta sa kanila ay pumapasok sa kanilang bahay.
Nabatid na dakong alas-7:30 ng umaga kinabukasan ay nakita na nga ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng C-5 Road South bound lane ng Barangay Western Bicutan, Taguig.
Binanggit pa ng kaanak ng nasawi na posibleng nagalit si Carla dahil sa tumanggi ang biktima na pakasalan ito sa kabila na ito ay buntis na.
Naniniwala naman umano ang biktima na hindi siya ang ama ng dinadala ni Carla dahil sa bukod sa kanya ay may boyfriend pa itong mayaman.
Mula ng mamatay ang biktima ay hindi na nagpakita pa sa pamilya si Carla at maging sa burol ng una ay hindi rin ito dumalo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended