Ang regalong ipinagkaloob ng Pangulo sa mga residente ay ang sertipiko ng pagmamay-ari ng lupa at tirahan sa may 764 pamilya para makalipat sila kaagad sa Permanent Housing ng Smokey Mountain Development Reclamation Project.
Ayon kay National Housing Authority (NHA) General Manager Edgardo Pamintuan na ang pamamahagi ng sertipiko ng pagmamay-ari ng lupa at tirahan ay isang pagtupad ng Pangulo sa kanyang pangako na pagkakalooban ng disenteng tirahan ang mga taga-Smokey Mountain.
Sinabi ni Pamintuan na ang nalalabing 1,500 pamilyang nasa temporaryong tirahan sa Smokey Mountain ay tiyak ding maililipat ng permanenteng tirahan sa susunod na taon. (Ulat ni Lilia Tolentino)