^

Metro

No.7 most wanted kidnapper timbog ng NAKTAF

-
Isa na namang most wanted kidnapper na dating miyembro ng Phil. Army ang bumagsak sa operatiba ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) sa isinagawang raid sa Iloilo kamakalawa.

Kinilala ni NAKTAF Chairman Angelo Reyes ang suspect na si Jose Lim Amuco, No. 7 most wanted kidnapper sa bansa na may patong na P750,000.00. Iniharap ang nadakip sa mediamen kahapon sa Camp Crame.

Si Amuco, 41, ay gumagamit ng mga alyas na Jack, Juvy at Ugay-Ugay ay aktibong miyembro ng ‘Pegarido kidnap-for-ransom group’ na sangkot sa pagdukot kina Mark Jan Giga at Maeling Ang.

Sinabi ni Reyes na si Amuco ay nadakip dakong alas-8:30 ng gabi kamakalawa sa Barangay Seol Norte, Leon Iloilo.

Ayon sa opisyal natunton ang pinagkukutaan ng suspect sa tulong ng ilang barangay officials ng Barangay Bakhaw, Mandurriao, Iloilo na siyang nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad.

Nauna nang ipinalabas ng NAKTAF ang listahan ng top 10 Most Wanted Kidnappers na tinutugis ng batas kung saan ay anim pa ang tinutugis makaraang malansag na ang apat sa mga ito.

Samantalang nito lamang Lunes ay 14 na kidnappers kabilang ang isang pulis ang idinagdag ng NAKTAF sa mga talaan ng pinaghahanap na notoryus na kriminal.

Magugunita na napaslang ng mga awtoridad ang No.1 most wanted kidnapper na si Dr. Obeles Yap sa isang engkuwentro sa Dinalupihan, Bataan noong Nobyembre 20, habang sina Allan Niegas at Vilmor Catamco na kapwa may patong na P1 milyon sa ulo ay nadakip naman sa serye ng operasyon sa Masbate at Leyte noong nakalipas na buwan. (Ulat ni Joy Cantos)

ALLAN NIEGAS

BARANGAY BAKHAW

BARANGAY SEOL NORTE

CAMP CRAME

CHAIRMAN ANGELO REYES

DR. OBELES YAP

ILOILO

JOSE LIM AMUCO

JOY CANTOS

LEON ILOILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with