73-anyos na ama tsinap-chop, sinunog ng anak
December 16, 2003 | 12:00am
Isang 73-anyos na ama ang tsinap-chop at saka sinunog ng kanyang sariling anak na lalaki bago itinago sa bodega ng bahay ang natagpuan kamakalawa sa Parañaque City.
Nakilala ang nasawi na si Gregorio Agor, tubong Sta. Cruz, Laguna at nakatira sa inabandonang bahay sa San Isidro St., San Antonio Valley 5 Subdivision, Brgy. San Antonio ng nabanggit na lungsod.
Inaresto naman ng mga barangay tanod ang suspect na anak na nakilalang si Adlai Agor, 36, hiwalay sa asawa na nahaharap sa kasong parricide.
Ang mag-ama ay sinasabing care taker sa inabandonang bahay na pag-aari ng isang Mila Ali sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat na tinanggap ni Parañaque City chief of police Supt. Ronald Estiles natuklasan lamang ang bangkay ng biktima kamakalawa ng gabi sa loob ng stock room ng bahay.
Nauna rito, dumating ang isa pang anak ng nasawi na si Elizabeth Agor, 42, ng Molino, Cavite para ihatid ang rasyon sa ama.
Naabutan ni Elizabeth sa labas ng bahay ang kapatid na si Adlai at tinanong kung nasaan ang kanilang ama. Sumagot naman ang suspect at sinabing hindi niya alam.
Sa isinagawang pakikipag-usap ni Elizabeth sa kapatid ay napuna nito na hindi matino ang kanyang kausap at nagduda sa ikinikilos nito.
Nang pumasok sa loob ng bahay si Elizabeth at nalanghap niya ang mabahong amoy kung kayat humingi na siya ng tulong sa ilang taong naroroon para alamin kung saan ito nanggagaling at kung ano ito.
Nangilabot si Elizabeth nang matagpuan nila sa stock room sa may likuran ng bahay ang putul-putol na katawan ng kanilang ama na may palatandaan na bahagya pa itong sinunog.
Malaki ang paniwala ng pulisya na may apat na araw nang patay ang biktima at posibleng nawala sa katinuan ng pag-iisip ang anak kung kaya nagawa ang ganitong krimen sa ama.
Patuloy pa ring isinasagawa ng pulisya ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am