^

Metro

Estudyante ng STI nagbigti

-
Isang 17-anyos na lalaking estudyante ng System Technology Institute (STI) ang natagpuang wala nang buhay habang nakabitin sa loob ng kanilang banyo kamakalawa ng gabi sa Bayan ng San Juan.

Si Francis Villas, first year college sa STI Quezon City, ng Agosto St., Brgy. Salapan, San Juan, MM, ay natagpuang nakabitin gamit ang isang nylon cord na nakatali sa leeg at ipinulupot sa kisame ng banyo.

Sa ulat, nakita ang bangkay ng biktima dakong 9:15 ng gabi ng kanyang tiyuhin na si Marcial Delima.

Nabatid na nagising si Delima upang umihi at pagbukas nito ng banyo ay laking gulat niya nang tumambad sa kanyang harapan ang nagbigting biktima.

Agad itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay upang maibaba ang biktima sa pagkakabigti para maisalba ang buhay subalit nangingitim na ito at wala nang buhay.

Ayon sa pulisya, posible umanong may mabigat na suliranin ang biktima kaya naisipan nitong magpakamatay.

Dinala naman ang bangkay ng biktima sa PNP Crime lab para sumailalim sa awtopsiya upang malaman kung may foul play na naganap sa pagkamatay nito. (Ulat ni Edwin Balasa)
vuukle comment

AGOSTO ST.

AYON

BAYAN

BRGY

EDWIN BALASA

MARCIAL DELIMA

QUEZON CITY

SAN JUAN

SI FRANCIS VILLAS

SYSTEM TECHNOLOGY INSTITUTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with