^

Metro

7 katao timbog sa shabu

-
Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Central Police District Command (CPDC) ang pito katao sangkot sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot , kamakalawa ng hapon sa parking lot ng isang mall sa Quezon City.

Tinatayang aabot sa 500 gramo ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa mga suspect na sina Noralda Buda, 23; Normina Guimalon, 24; Norma Ruben, 18; Diego Macasilang, 20; Calison Benasin, 29; Joyce Salazar, 18 at Alicia Haron, 18.

Ayon sa pulisya, nadakip ang mga suspect sa parking lot ng SM City sa North Avenue at EDSA sa Barangay Bagong Pag-asa ng nabanggit na lungsod dakong alas-2:30 ng hapon kamakalawa.

Sinabi ni pulisya na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa isasagawang drug deal ng grupo ng mga suspect at habang nasa lugar ay nagsagawa na ng surveillance operation ang mga awtoridad sa naturang lugar.

Hindi nagtagal ay isang Toyota Corolla na kulay gray na may plakang WDF-923 ang pumarada sa lugar sakay ang tatlong babae at hindi nagtagal ay isa namang Mitsubishi Adventure na kulay maroon na may plakang WHN-258 ang dumating at lumapit sa naunang sasakyan.

Nasaksihan ng mga pulis ang ginawang abutan ng bag at ng ATM card ng grupo.

Dito na lumapit ang pulisya at nabatid na ang laman ng bag ay shabu.

Hindi na nakapalag pa ang grupo at agad na silang dinakip ng pulisya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALICIA HARON

BARANGAY BAGONG PAG

CALISON BENASIN

CENTRAL POLICE DISTRICT COMMAND

DIEGO MACASILANG

JOYCE SALAZAR

MITSUBISHI ADVENTURE

NORALDA BUDA

NORMA RUBEN

NORMINA GUIMALON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with