^

Metro

Tubero pinutulan ng ari ni misis

-
Nag-ala-Lorena Bobbit ang isang ginang matapos putulin nito ang ari ng kanyang tuberong mister makaraang magselos sa nabasang text messages sa cellphone ng huli, kahapon ng umaga sa Taguig.

Ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktima na nakilalang si Antonio Llanerisas, 30, ng Brgy. West Bicutan ng bayang ito.

Samantala, nakilala naman ang namutol na ginang na si Marilou.

Malabo na umanong maibalik o maremedyuhan ang naputol na ari makaraang maiwan pa ng misis nito sa kanilang bahay ang naputol na bahagi nang isugod na niya sa pagamutan ang namimilipit niyang mister.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Labis umanong nagtataka ang ginang na sa kabila na tubero ang kanyang mister ay sa gabi ito nagdu-duty at sa araw ay palaging tulog.

Dahil sa pagdududa ay ininspeksyon ng ginang ang mga messages sa cellphone ng mister. Nabasa ng ginang ang mga kahina-hinalang text messages kung kaya nagatungan ang pagseselos nito.

Mabilis itong kumuha ng kutsilyo at saka pinutol ang ari ng mister habang ito ay natutulog.

Bigla na lamang sumigaw at namilipit sa sakit ang lalaki.

Nang makita naman ng ginang na sumambulat ang dugo sa ari nito ay mabilis na rin niya itong isinugod sa pagamutan, subalit nakalimutang dalhin ang bahaging pinutol. Hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung sasampahan ng kaukulang kaso ang namutol na ginang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANTONIO LLANERISAS

AYON

BIGLA

BRGY

DAHIL

GINANG

LORDETH BONILLA

LORENA BOBBIT

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

WEST BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with