^

Metro

Buntis 15 ulit sinaksak ng adik

-
Kritikal ang isang anim na buwang buntis matapos itong pagsasaksakin ng kanyang adik at ex-convict na kapitbahay na nagtangkang humalay sa una, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tinamong 15 saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Gina Bauyon, 31, ng 151 Macopal Alley, Panday Pira St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Nelson Tinola, kilalang ex-convict at talamak na adik sa kanilang lugar na mabilis namang tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa loob ng bahay ng ginang. Nabatid na bago maganap ang nasabing insidente ang suspect ay bangag sa droga at nagwawala sa kanilang lugar. Bigla na lamang itong pumasok sa bahay ng ginang na noon ay mahimbing na natutulog.

Agad na tinangkang halayin ng suspect ang biktima na nanlaban naman sa kabila na malaki na ang kanyang tiyan.

Nang magsisigaw ang biktima ay saka ito pinagsasaksak ng suspect sa ibat-ibang bahagi ng katawan at pagkatapos ay mabilis na tumakas. (Ulat ni Rose Tamayo)

BAGONG BARRIO

BIGLA

CALOOCAN CITY

GINA BAUYON

KASALUKUYANG

MACOPAL ALLEY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

NELSON TINOLA

PANDAY PIRA ST.

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with