OFW's gagamitin sa drug smuggling
December 9, 2003 | 12:00am
Mahigpit na nagbabala kahapon ang Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga nagbabakasyong balikbayan at Overseas Filipino Workers na maging maingat sa pagtanggap ng mga ipinadadalang bagahe o pakete ng kanilang mga kababayan sa ibang bansa bilang regalo sa darating na Pasko.
Ang babala ay ipinalabas ni BoC-NAIA district collector Celso Templo makaraang makatanggap ng intelligence report hinggil sa umanoy plano ng ilang sindikato buhat sa mainland China na magpuslit ng ilegal na droga na ang gagamiting courier ay ang mga nagbabakasyong OFW.
Bilang pagbibigay pugay, ang mga contract workers ay binibigyan ng kaunting kaluwagan ng mga BoC lane examiners at hindi na gaanong sinusuri ang mga bagahe kagaya ng mga appliances.
At dahil dito, maaaring magsamantala ang mga miyembro ng sindikato at pwedeng gamitin ang walang malay na contract worker upang makapagpadala ng kontrabando lalo na kung may kapalit na salapi.
Inalerto rin ng mga awtoridad ang mga kawani ng Central Mail Exchange Center sa NAIA dahil sa ulat na pagpasok ng mga kontrabando gamit ang koreo. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am