^

Metro

26-anyos binoga ng adik,todas

-
Napatay ang isang 26-anyos na binatang ama matapos itong mapagtripang barilin ng isang umano’y adik na lalaki habang naglalakad sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa batok ang biktimang si Liberato Unto, stay-in painter sa Qilson Ramos sa Chicago St. ng naturang lugar.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang hindi nakikilalang suspect na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Western Police District (WPD) Homicide Division, dakong alas-5 ng umaga nang maganap ang insidente habang naglalakad ang biktima patungo ng Muslim mosque nang bigla na lamang sumulpot mula sa likuran nito ang suspect.

Bigla na lamang umanong binaril ng suspect ang biktima sa batok samantalang mabilis namang sinaklolohan ng mga residente ng naturang lugar si Liberato at isinugod sa naturang pagamutan.

Ayon sa mga nakakakilala sa biktima, kilala umanong tahimik na tao at walang kaaway sa kanilang lugar ito kung kaya’t may hinala ang mga imbestigador na isang adik ang pumatay dito at napagtripan lamang ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BIGLA

CHICAGO ST.

GEMMA AMARGO

HOMICIDE DIVISION

LIBERATO

LIBERATO UNTO

MAYNILA

QILSON RAMOS

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with