^

Metro

2 heneral ng PNP nagturuan sa isyu ng mass leave

-
Nagturuan kahapon ang dalawang heneral ng PNP sa panghihikayat sa mga opisyal at tauhan ng pulisya na sumama sa planong paglulunsad ng mass leave kaugnay sa makontrobersiyal na ‘Laban-Bawi revamp’ na naglalayong patalsikin sa puwesto si PNP Chief Director General Hermogenes Ebdane.

Ayon sa sinibak na si dating PNP-CIDG chief Director Eduardo Matillano na hindi siya ang may pakana nito kundi si outgoing CALABARZON Region 4 Director Chief Supt. Jaime Caringal.

Sinabi ni Matillano na si Caringal umano ang humikayat sa kanya na magsagawa at tumulong sa panghihikayat para sa planong mass leave dahil nga sa umano’y hindi makatuwirang revamp ni Ebdane.

Si Caringal ay kabilang rin sa binalasa na hahawak sa bagong posisyon bilang director ng PRO 12.

Sa panig ni Caringal, pinabulaanan nito na hinihikayat niya ang kanyang mga tauhan para sumama sa mass leave at wala rin umano siyang nalalaman sa mga sinasabi ni Matillano na lumantad at pumiyok sa nasabing revamp. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

DIRECTOR CHIEF SUPT

DIRECTOR EDUARDO MATILLANO

EBDANE

JAIME CARINGAL

JOY CANTOS

LABAN-BAWI

MATILLANO

NAGTURUAN

SI CARINGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with