^

Metro

P6-B shabu chemicals, equipments nasamsam sa raid

-
Aabot sa anim na bilyong halaga ng shabu chemicals at mga kagamitan ang nasamsam ng mga operatiba ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AID-SOFT) matapos salakayin ang isa na naman sa itinuturing na pinakamalaking shabu laboratory sa isinagawang raid sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PNP-AID-SOFT chief Deputy Director General Edgar Aglipay, dakong alas-9 ng gabi nitong Huwebes nang lusubin ng kanyang mga tauhan ang shabu laboratory na matatagpuan sa bodega ng Building 4 ng Saniware Compound sa 20 Evangelista St., Santolan, Pasig City.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Jose Hernandez ng Regional Trial Court, Branch 158 ng Pasig City.

Kahapon personal na iprinisinta ng mga opisyal ang nasamsam na mga kemikal at kagamitan sa paggawa ng shabu kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Binanggit ni Aglipay na ang nasamsam na mga kemikal ay kayang mag-produce ng may 750 hanggang 1,000 kilo ng shabu.

Napag-alaman pa na ang mga nasamsam na kagamitan ay pawang may mga Chinese markings.

Ayon pa sa ulat, ginagamit na front ng sindikato ang mga kagamitan sa bahay na inangkat pa mula sa China. Sa loob ng nasabing furniture umano posibleng inilalagay ang mga kemikal papasok sa bansa.

Nabatid na ang warehouse ay inuupahan nina Aileen Tan at Willy Gan at isa pang lalaking Intsik mula sa Citiland Inc., isang kilalang condominium at hotel developer.

Walang nahuling mga suspect sa sinalakay na shabu laboratory. (Ulat nina Joy Cantos at Edwin Balasa)

AILEEN TAN

AYON

CITILAND INC

DEPUTY DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EDWIN BALASA

EVANGELISTA ST.

JOY CANTOS

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with