2 empleyado ng JAG Phils., dinukot ng 10 armado
December 4, 2003 | 12:00am
Dalawang kawani ng isang malaking kumpanya ng pagawaan ng pantalon ang hinihinalang dinukot ng sampung armadong kalalakihan kung saan tinangay pa ng mga ito ang dalawang van na naglalaman ng mga pantalon na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P1 milyon na naganap kahapon ng umaga sa boundary ng Parañaque at Muntinlupa City.
Kinilala ang mga biktima na sina Odi Ochoco at Bernard Rocha, kapwa driver at konektado sa JAG Philippines.
Samantala, mabilis na nagsitakas ang 10 hindi pa nakikilalang mga suspect.
Sa report ng Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:40 ng umaga sa harapan ng South Bay Garden, malapit sa Water Fun, West Service Road, boundary ng Parañaque at Muntinlupa City.
Nabatid na hinayjack ng 10 armadong kalalakihan ang dalawang van na minamaneho ng dalawang biktima.
Napag-alaman na tinangay ng mga suspect ang mga van kasama sina Ochoco at Rocha. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended