Pari hubo't hubad na kinatay
December 4, 2003 | 12:00am
Hubot hubad at tadtad ng saksak sa katawan nang matagpuan ang isang pari sa loob ng kuwarto ng kanyang bahay sa La Loma, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawing biktima na si Fr. Albert Tanghal, 50, parish priest sa Malate Church at residente ng #20 E. Matutum St., Barangay Saint Peter, La Loma, Quezon City.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Joseph Madrid ng CPD-Criminal Investigation Unit nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-11 ng gabi kamakalawa ng pinsan nitong si Marivic Cornelio.
Ayon sa ulat, napansin umano ni Cornelio na hindi lumalabas ng kuwarto ang pari sa loob ng may 24 oras kung kaya nagduda siyang may nangyaring masama dito.
Bukod dito, nauna nang tinawagan ng mga kamag-anak ng biktima ang cellphone nito subalit iba ang sumasagot.
Nang buksan ang pinto ng kuwarto ng pari ay tumambad sa kanila ang bangkay nito na walang anumang saplot sa katawan at nakahandusay sa ibabaw ng kama at duguan.
Nabatid sa ilang saksi na dalawang lalaki ang nakita nilang bisita ng pari bago natagpuan itong patay.
Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat sa kaso. Hindi pa tiyak ng pulisya kung ano ang maaaring motibo sa isinagawang pagpaslang sa nabanggit na pari. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest