Dahil sa sapatos, binata binoga
December 3, 2003 | 12:00am
Agad na nasawi ang isang 36-anyos na binata makaraang barilin ito sa dibdib ng kanyang dating kapitbahay dahil sa umanoy kabiguan nitong isauli ang hiniram na sapatos sa huli, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Kinilala ang nasawi sa pangalang Tito Ameda, alyas Boboy, residente ng Phase 7-B Package 4 Blk 24, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.
Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng pulisya laban sa suspect na si Richard Vitug, 32 ng Tondo, Maynila.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7 ng gabi malapit sa bisinidad ng bahay ng biktima.
Napag-alamang pauwi na ang nasawi nang makasalubong nito ang galit na galit na suspect kung saan agad siyang kinompronta dahil sa hindi pagsauli sa hiniram niyang sapatos. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa biglang naglabas ng baril ang suspect at binoga ang biktima.
Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended