^

Metro

P200-M pekeng CD's nasamsam

-
Muli na namang sinalakay ng mga tauhan ng Videogram Regulatory Board ang Quiapo Commercial District sa Maynila kung saan umaabot sa P200 milyong halaga ng mga pirated VCD at CD ang nakumpiska sa mga bodega, kahapon ng umaga.

Dakong alas-5:30 pa lamang ng umaga ay kinordon na ng mga tauhan ng Western Police District ang naturang lugar upang maiwasan ang maaaring kaguluhan.

Nabatid na may 200 tauhan ng WPD at PNP Special Action Force ang nagsagawa ng naturang operasyon.

Inumpisahang buksan ang mga bodega ng mga tinderong Muslim nang dumating si VRB Chairman Bong Revilla kung saan nadiskubre ang daan libong nakaimbak na pirated compact discs, video compact dics at DVD’s.

Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng 336 search warrant na inilabas ni Judge Artemio Tipon ng Manila Regional Trial Court branch 46. (Ulat ni Danilo Garcia)

CHAIRMAN BONG REVILLA

DAKONG

DANILO GARCIA

INUMPISAHANG

JUDGE ARTEMIO TIPON

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

QUIAPO COMMERCIAL DISTRICT

SPECIAL ACTION FORCE

VIDEOGRAM REGULATORY BOARD

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with