^

Metro

Holdaper dedo sa pulis

-
Nabaril at napatay ng isang pulis ang isa sa tatlong holdaper na nangholdap sa isang pampasaherong jeep, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Hindi pa nakikilala ang nasawing suspect, habang mabilis namang tumakas ang dalawang kasamahan nito na tinatayang nasa gulang 20-25.

Batay sa ulat, naganap ang insidente sa kahabaan ng Aurora Boulevard sa kanto ng 20th Avenue, Barangay San Roque, Cubao dakong alas-3:30 ng madaling-araw.

Nabatid na natiyempuhan na lulan sa hinoldap na jeep si PO1 Querico Britanico ng District Mobile Group nang tutukan at holdapin ng mga suspect ang mga pasahero dito.

Nakaupo noon si Britanico sa tabi ng driver na humabol ng pagpapaputok ng baril sa mga tumatakas na suspect na ikinatama ng isa sa mga ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AURORA BOULEVARD

BARANGAY SAN ROQUE

BATAY

BRITANICO

CRUZ

CUBAO

DISTRICT MOBILE GROUP

NABARIL

QUERICO BRITANICO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with