^

Metro

12-anyos pisak sa container van

-
Isang grade six pupil ang nasawi matapos itong madaganan nang tumaob na 20-toneladang container van habang naglalako ng panindang gulay kahapon ng umaga sa Taguig.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si John Kevin Salalima, 12, ng Group 28, Sitio Masigasig, Barangay Western Bicutan ng bayang ito.

Nadakip naman agad ang suspect na nakilalang si Jorge Romero, 32, ng Mabuhay St., Mayamot, Antipolo City.

Ayon sa report na tinanggap ng Taguig Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa kahabaan ng C-5 Service Road Exit Sitio Masigasig ng Brgy. Western Bicutan, nabanggit na bayan.

Minamaneho ng suspect ang isang trailer truck na may plakang TVF-113 na may kargang 20 toneladang container van at habang binabagtas nito ang nabanggit na lugar, sumabog ang dalawang gulong sa kanang likuran.

Naging dahilan ito upang mawalan ng giya ang trailer truck at nagpagewang-gewang bago tuluyang tumaob.

Natiyempuhan namang nadaganan ng container van ang biktima na noon ay naglalako ng panindang gulay. Masuwerteng hindi nahagip ang lola ng biktima na nakilalang si Seneca Llamaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BARANGAY WESTERN BICUTAN

JOHN KEVIN SALALIMA

JORGE ROMERO

LORDETH BONILLA

MABUHAY ST.

SENECA LLAMASO

SERVICE ROAD EXIT SITIO MASIGASIG

SITIO MASIGASIG

TAGUIG TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with