^

Metro

Angelika dela Cruz,imbyerna sa F4

-
Lubusang pagkapahiya at pagkadismaya ang naramdaman ng singer-actress na si Angelika dela Cruz makaraang isnabin ang beauty nito ng dalawang miyembro ng F4, kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Suplado umano ang dating nina Jerry Yan at Vic Zhou nang dumating ang mga ito sa NAIA lulan ng China Airlines flight C1-631 sa terminal 1 ng NAIA.

Katulad ng nauna nilang pagdating sa bansa, nakasuot ang mga ito ng sunglasses, nakatakip sa mukha ang kanilang mahahabang buhok at si Yan ay nakasuot pa ng sun visor kung kaya’t halos hindi na makita ang mukha nito habang tuluy-tuloy at nakayukong sumakay ang mga ito sa sumundong chopper.

Gaya rin ng naunang pagdating ng mga ito sa bansa, binigo nila ang mga naghihintay na fans sa paliparan kung saan ay hindi man lamang umano makamayan o makita man lang ng mga ito ang kanilang mga mukha.

Hindi naman mapantayan ang pagkadismaya at sama ng loob ni Angelika na alas-8:30 pa lamang ng umaga ay naghintay na ito sa paliparan na handang-handa ng mag-interview sa dalawa para sa kanyang bagong show.

"Crush ko kasi si Yan pero ayoko na sa kanya!" ito naman ang naging sagot ni Angelika matapos isnabin nina Yan at Zhou. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

ANGELIKA

BUTCH QUEJADA

CHINA AIRLINES

CRUZ

GAYA

JERRY YAN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

VIC ZHOU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with