Computer shops sinalaky sa pekeng PC games
November 29, 2003 | 12:00am
Isang computer shop ang sinalakay ng mga ahente ng NBI kung saan nakumpiska ang daan-libong halaga ng mga computer sets dahil sa paggamit ng mga pekeng kopya ng PC games, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Sa ulat ng NBI isinagawa ang pag-atake dakong alas-11 ng umaga.
Armado ng search warrant na ipinalabas ni Judge Antonio Eugenio Jr. ng Quezon City RTC Branch 24, sinalakay ng mga ahente ang Cyberzone computer shop sa may Carpark building ng SM North EDSA.
Kinumpiska ng mga ahente ang kanilang mga computers na may nakaprogramang bootle copies ng mga PC games.
Ang raid ay isinagawa base sa reklamo ng mga opisyales ng Asian Meteor Development Group na sole distributor ng mga PC games dahil sa hindi lisensiyadong paglalagay ng naturang programs sa kanilang computer. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest