^

Metro

P2-B shabu nasabat sa MICP

-
Tinatayang aabot sa P2 bilyong halaga ng ephedrine na pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AID-SOFT) sa isinagawang operasyon sa South Harbor, Port Area, Manila.

Ayon kay PDEA Director Anselmo Avenido Jr., isang libong kilo ng nasabing kemikal na nakalagay sa 40 drums sa loob ng isang 40 footer container van ang kanilang nasamsam sa isinagawang raid sa Manila International Container Port (MICP) pasado alas-9 ng gabi noong Huwebes.

Nabatid naman kay AID-SOFT chief Edgar Aglipay na ang matagumpay na operasyon ay bunsod sa napiga nilang impormasyon mula sa mga suspect na naaresto sa drug raid sa Antipolo at Pasig City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang nasabing mga kargamento ay nagmula pa sa New Delhi, India at dinala sa pamamagitan ng Premier Air and Sea Cargo na may tanggapan sa 416 Regina Building, Escolta sa lungsod ng Maynila.

Sa kabuuang 300 drum na kanilang binuksan, 40 dito ang positibong naglalaman ng nasabing kemikal ng shabu.

Ang kargamento ay naka-consign sa Premier Sea and Air Cargo Movers Corporation kung saan ang tumatayong broker ay nakilala sa pangalang Jelly Laurente. (Ulat nina Joy Cantos at Edwin Balasa)

DIRECTOR ANSELMO AVENIDO JR.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EDGAR AGLIPAY

EDWIN BALASA

JELLY LAURENTE

JOY CANTOS

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

NEW DELHI

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with