^

Metro

Babaeng nag-nguso ng drug lord inatado

-
Isang 40-anyos na babae ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng mga hinihinalang miyembro ng big time drug pusher na ininguso nito sa mga awtoridad kahapon sa lungsod ng Maynila.

Tadtad ng saksak sa mukha at katawan nang matagpuan ang biktimang si Teresita Silverio.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 kahapon ng madaling araw nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima sa San Andres Bukid, Manila.

Ayon sa saksing si Alexander Sy, limang kalalakihan ang nakita nitong dumating sa bahay ng biktima kung saan tatlo sa mga ito ang pumasok sa bahay habang ang dalawa ay naiwan sa labas.

Ilang sandali pa ay narinig na nila ang pagsigaw at paghingi ng tulong ng biktima.

Tinangka umanong lumapit ng ilang kapitbahay subalit sinabihan sila ng dalawang bantay na huwag nang makialam kung ayaw madamay.

Nabatid na ang nasawi ay una nang naaresto ng pulisya dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng ilegal na droga. Matapos maaresto ikinanta nito ang isang drug lord na agad din namang nadakip ng mga awtoridad.

Binantaan umano ng drug lord ang biktima na papatayin sa oras na ito ay makalabas ng kulungan. Kasalukuyan namang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya ukol sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALEXANDER SY

AYON

BINANTAAN

DANILO GARCIA

ILANG

ISANG

KASALUKUYAN

MATAPOS

SAN ANDRES BUKID

TERESITA SILVERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with