^

Metro

3 pulis, 2 sibilyan timbog sa karnap

-
Tatlong kagawad ng Western Police District (WPD) at dalawa pang sibilyang kasabwat ng mga ito ang dinakip ng mga elemento ng PNP Traffic Management Group kaugnay sa kasong carnapping sa isinagawang entrapment operation sa North Luzon Expressway kahapon.

Nakilala ang mga nadakip na sina SPO4 Porfino Divina; PO3 Edwin dela Cruz at PO3 Jordan Villanueva na pawang nakatalaga sa Quiapo Police Station kasama ang dalawang sibilyang sina Harold Tanango at Henry Derecta.

Ayon kay PNP-TMG director Chief Supt. Danilo Mangila, ang mga suspect ay nasakote ng mga elemento ng Task Force Limbas sa Petron Gasoline Station sa kahabaan ng North Luzon Expressway bandang alas-11 ng tanghali.

Ayon pa sa ulat, matagal na umanong isinailalim ang mga nadakip sa masusing surveillance operation matapos makatanggap ng ulat ang PNP-TMG na sangkot ang mga ito sa pagbebenta ng mga karnap na sasakyan.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspect makaraang palibutan ng arresting team sa aktong tinatanggap ang P150,000 marked money bilang umano’y paunang bayad sa ibinebenta ng mga itong nakaw na sasakyan mula sa isang poseur buyer.

Nasamsam sa pag-iingat ng mga ito ang isang Toyota Altis at isang Nissan Safari.

Ang mga suspect ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng PNP-TMG sa Camp Crame. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

DANILO MANGILA

HAROLD TANANGO

HENRY DERECTA

JORDAN VILLANUEVA

JOY CANTOS

NORTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with