^

Metro

Driver ng dinukot na paslit, patay na

-
Namatay na kahapon ang family driver ng dinukot na batang Fil-Chinese na nag-comatose sa loob ng apat na araw, habang nasa kritikal pa ring kalagayan ang yaya nito sa loob ng Phil. General Hospital (PGH), kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Maynila.

Tuluyan nang bumigay kahapon ang driver na si Hilario Responso, 29, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at likod buhat sa mga kidnappers ni Gellina Crystel Dy, grade 5 pupil sa St. Peter the Apostle School.

Patuloy pa ring sumasailalim sa masusing obserbasyon ang yaya ng bata na si Maricel De Dios na nagtamo rin ng tama sa likuran.

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa takbo ng kasong pagdukot kay Gellina dahil na rin sa pagtanggi ng pamilya nito na makipagtulungan sa mga awtoridad sa takot na may mangyaring masama sa biktima.

Matatandaan na hinarang ng mga armadong suspect ang kotseng maghahatid kay Gellina sa nabanggit na paaralan noong nakaraang Biyernes.

Agad na pinagbabaril ng mga suspect ang walang kalaban-labang driver at yaya ng bata at saka sapilitang dinala ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BIYERNES

DANILO GARCIA

FIL-CHINESE

GELLINA

GELLINA CRYSTEL DY

GENERAL HOSPITAL

HANGGANG

HILARIO RESPONSO

MARICEL DE DIOS

ST. PETER THE APOSTLE SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with