Agent ng NBI niratrat ng apat na PDEA men
November 26, 2003 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ang isang 30-anyos na ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) makaraang pagtulungang bugbugin at pagbabarilin ng apat na lasing na umanoy miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Ang biktima na nagtamo ng tinatayang anim na tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan at kasalukuyang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center ay nakilalang si Marvin Matamis, NBI agent na nakatalaga sa ISOD, ng Blk. 5 #61 Sitio Gumamela Brgy. Sta. Cruz, Cogeo, Antipolo City.
Samantala, pinaghahanap naman ang apat na suspect na nagpakilalang mga PDEA agents na mabilis na tumakas sakay ng puting Toyota Revo na may plakang XFK-646 o XFK-604.
Ayon kay PO2 Glen Aculana, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa kahabaan ng Marcos Hi-way Pambuli St., Midtown Subdivision, Brgy. San Roque, ng lungsod na ito.
Bumaba ng sinasakyang FX taxi ang biktima at lumapit sa isang MMDA traffic enforcer na nakilalang si Leandro Lurca upang ireklamo ang driver ng sinakyang FX na nagmura sa kanya.
Habang nag-uusap sina Matamis, Lurca at ang driver ng taxi ay biglang huminto ang isang Toyota Revo na sinasakyan ng mga lasing na suspect at nakisali sa usapan.
Nagpakilala ang mga suspect na mga PDEA agent kaya nagpakilala rin ang biktima na ahente ng NBI na humantong sa mainitang pagtatalo. Binugbog ng mga suspect ang biktima subalit hindi pa nasiyahan, bumunot pa ang mga ito ng baril at pinaputukan ang walang labang biktima.
Matapos ang insidente ay agad na umalis ang mga suspect samantalang isinugod naman ng ilang kalalakihan sa nasabing pagamutan ang biktima. Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang pirasong basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest