Holdaper/killer ng La Salle student, Chinese trader timbog
November 25, 2003 | 12:00am
Naaresto kahapon ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang tatlong kilabot na holdaper na sangkot sa panghoholdap at pagpaslang sa isang La Salle student at sa isang negosyanteng Intsik sa lungsod ng Maynila noong nakalipas na linggo.
Kinilala ni WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong ang mga nadakip na suspect na sina Roberto Vargas, alyas Putol; Richard Flores at Bernie Solis.
Si Vargas ay itinuturong bumaril sa estudyanteng si Christian Reyes, 20, noong Nobyembre 20 sa kahabaan ng Quirino Avenue, Malate, Maynila.
Nabatid na naipit sa trapik ang biktima na noon ay lulan sa kanyang Honda CRV. Nagbaba ito pansamantala ng bintana para manigarilyo nang lapitan at tutukan ng baril ng suspect.
Sapilitan nitong kinuha ang cellphone ng biktima na nang manlaban ay agad nitong binaril hanggang sa mapatay.
Samantalang ang nadakip na sina Flores at Solis ay sangkot naman sa panghoholdap at pagpatay sa Chinese trader na si Tian Sheng noong nakalipas na Biyernes.
Natangay ng mga suspect ang halos dalawang milyong pisong winithdraw ng biktima sa isang bangko sa Binondo, Maynila. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended