^

Metro

Usisero tinamaan ng ligaw na bala, todas

-
Isang 38-anyos na vendor ang namatay makaraang tamaan ito ng ligaw na bala habang nanonood ng rambulan kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Namatay habang ginagamot sa St. Vincent Hospital sanhi ng isang tama ng bala ng sumpak sa kaliwang dibdib ang biktimang si Decelito Parelario, ng #6 Banahaw St., Marikina Village, Brgy. Nangka ng lungsod na ito. Samantala, agad namang tumakas ang suspect na nakilalang si Robert Corpuz, residente rin sa naturang lugar.

Sa ulat ni PO3 Virgilio Cayetano, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa kahabaan ng Banahaw St. ng nasabing barangay habang nagaganap ang isang rambulan na kinabibilangan ng suspect at kalabang grupo.

Nanonood ng nasabing away ang biktima kasama ang iba pang kapitbahay nang dumako ang isang kaaway ng suspect sa lugar ng mga ito.

Pinaputukan ng suspect ang kaaway subalit nakailag ito at ang tinamaan ay ang biktima na agad bumulagta sa kalsada. Matapos ang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang suspect samantalang isinugod naman sa nasabing pagamutan ang biktima subalit namatay ito habang nilalapatan ng lunas. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BANAHAW ST.

BRGY

DECELITO PARELARIO

EDWIN BALASA

ISANG

MARIKINA CITY

MARIKINA VILLAGE

ROBERT CORPUZ

ST. VINCENT HOSPITAL

VIRGILIO CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with