Sanggol natodas sa sunog
November 24, 2003 | 12:00am
Isang anim na buwang sanggol ang natusta makaraang kasama itong masunog ng kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Base sa ulat ng Valenzuela City Police, ang sanggol na anak ng mag-asawang sina Randy at Eva Yamson ay iniwanang mag-isa ng kanyang ina sa loob ng kanilang kwarto nang mangyari ang sunog dakong alas-6:28 ng gabi sa kanilang tahanan sa Geranium St., De Castro Subd., Brgy. Mapulang Lupa ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na unang nagsimula ang sunog nang sumabog ang tangke ng gas ng kalan na iniwanang bukas ni Eva bago ito lumabas ng kanilang bahay at magpunta sa isang tindahan habang ang mister naman nitong si Randy ay namamasada ng pedicab.
Namangha na lamang umano ang ginang nang bumalik ito sa kanilang bahay at makitang lumalagablab na ito sa apoy.
Dahil sa mabilis na pagsiklab ng sunog ay hindi na nagawang maisalba pa ng mga bumbero ang sanggol kung saan ay kasama itong naging uling ng kanilang tirahan at ilan pang nadamay na kabahayan sa nabanggit na lugar.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Valenzuela Fire Arson Division hinggil sa nasabing insidente kung saan ay tinatayang umaabot sa P300,000. halaga ng mga ari-arian ang kasamang natupok sa nasabing sunog. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended