^

Metro

PNP: Anak ni Miriam nag-suicide o pinatay?

-
Malaking palaisipan pa rin sa PNP kung nag-suicide sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili o sadyang binaril ang bunsong anak ni dating Senadora Miriam Defensor Santiago na si Alexander Santiago.

Aminado ang mga opisyal ng PNP na hirap silang makakuha ng detalye sa pagkamatay ni Alexander dahilan sa pananahimik ng pamilya nito partikular na ang mag-asawang Miriam at dating DILG Undersecretary Narciso "Jun" Santiago.

Ayon kay PNP Spokesman Supt. Leopoldo Bataoil, mahalaga ang anumang impormasyon na ibigay ng mga kaanak ni Alexander upang mabigyang linaw ang insidente.

Inihalimbawa ni Bataoil, na tulad ito ng isang insidente ng kidnapping ay mahihirapang maresolba ang kaso at mahuli ang mga suspect kung walang tulong ang pamilya.

Magugunitang napaulat na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa batok ang biktima at patay na ito nang dalhin sa East Avenue Medical Center.

Walang linaw kung saan nagbaril o binaril si Alexander at maging sa log book ng pagamutan ng ito ay isugod, tanging "Mr X" lang ang nakalagay at hindi ang pangalan ng biktima.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mag-asawang Santiago na nag-iiyak sa pagamutan subalit maging sa mga imbestigador ay hindi ito nagbigay ng anumang pahayag.

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang pulisya sa naganap na krimen. (Ulat nina Joy Cantos at Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALEXANDER SANTIAGO

AMINADO

ANGIE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOY CANTOS

LEOPOLDO BATAOIL

MR X

SENADORA MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

SPOKESMAN SUPT

UNDERSECRETARY NARCISO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with