10-anyos kinidnap sa Maynila
November 22, 2003 | 12:00am
Minsan pang naging madugo ang matagumpay na pagkidnap ng grupo ng kidnap-for-ransom sa isang 10-anyos na batang Fil-Chinese makaraang pagbabarilin ang driver at yaya nito na ngayon ay kapwa nasa malubhang kalagayan bago tuluyang tinangay ang bata, kahapon ng umaga sa Paco, Maynila.
Nakilala ang bagong biktima ng pagkidnap na si Gellina Dy, grade 5 pupil sa St. Peter the Apostle Parish School at residente ng Apartment E Evacom Building, Palanyag, Sucat, Parañaque City.
Kritikal naman sa Philippine General Hospital ang yaya nito na si Maricel Dadios, 20, at ang driver na si Hilario Responso.
Napag-alaman na nagtamo ng bala sa likod si Dadios, habang sa leeg at balikat naman ang tama ng balang tinamo ni Responso.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng umaga sa tapat ng naturang paaralan sa Quirino Ave., Paco.
Kararating lamang umano ng mga biktima lulan ng maroon na Honda Civic na may plakang UCZ-793 upang ihatid ang batang si Dy sa paaralan nang biglang harangin ng isang Toyota Revo na may plakang WMK-972 lulan ang apat na armadong suspect.
Tatlo sa mga suspect na pawang nakasuot ng bonnet ang agad-agad na lumabas ng sasakyan at walang sabi-sabing pinagbabaril ang driver at yaya ng bata at pagkatapos ay sapilitang dinala ang bata bago tumakas.
Napag-alaman na ang pamilya Dy ang may-ari ng Highway Commercial Center sa may Evacom, Parañaque at bukod dito ay may iba pa itong negosyo.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa mga suspect para mabawi ang kinidnap na biktima.
Magugunitang noon lamang nakaraang Lunes kinidnap at napatay ang isang executive ng Coca-Cola Bottlers Inc. na si Betty Chua Sy.
Umaga din ito ng dukutin sa Quezon at kinabukasan ay natagpuan ang bangkay nito sa Parañaque City na inilagay sa plastic ng basura. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended