Shabu queen natakot ma-salvage, sumuko
November 20, 2003 | 12:00am
Isang 42-anyos na babaeng tinaguriang shabu queen sa CAMANAVA area ang sumuko kahapon sa mga awtoridad makaraang makaramdam nang pagkaligalig sa sarili nang matugunan nito na pangunahing target siya ng drug operation ng pulisya, kahapon ng umaga sa Malabon City.
Nakilala ang sumukong suspect na si Emelita Abatol, alyas Lilet, ng Block 13, Lot 10 Phase 2, Area 2, Barangay Longos ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng umaga nang sumuko si Lilet sa mga awtoridad sa tulong ng isang reporter.
Nabatid na si Abatol ay sinasabing nasa order of battle ng Malabon PNP-Drug Enforcement Unit dahil sa talamak na pagtutulak nito ng ipinagbabawal na gamot.
Oktubre 31 ng magpalabas ng warrant ang korte laban dito. Pansamantala itong nagtago subalit di naglaon ay sumuko dahil sa matinding takot makaraang mabatid na target na siya ng operasyon ng pulisya. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended