Witness sa Nida tinanggap na ng DOJ-WPP
November 20, 2003 | 12:00am
Tinanggap ng Department of Justice-Witness Protection Program (DOJ-WPP) ang kaisa-isang testigo ngayon sa pagpatay sa aktres na si Nida Blanca laban kina Rod Lauren Strunk at Philip Medel Jr.
Batay sa isang-pahinang certification ng DOJ, tinanggap nito bilang State Witness si Pedro Pates, 53, ng Tandang Sora, Quezon City at isang dating miyembro ng Philippine Constabulary.
Si Pates ang isa sa dalawang testigo na ini-apply sa DOJ-WPP ng abogado ni Kaye Torres na si dating Sandiganbayan Justice Harriet Demetriou. Ang isa pang testigo na nakaipit ngayon sa kamay ni Demetriou ay si Leonilo Gonzaga.
Nabatid sa records ng DOJ-WPP na kumuha ng aplikasyon si Demetriou sa DOJ noong Hunyo 2003 at ito ay kanyang isinumite sa nasabing tanggapan noong Setyembre 17, 2003 lamang.
Natuklasan na nitong nakaraang Biyernes, nilagdaan ni WPP Chairman at Justice Undersecretary Jose Calida ang naturang aplikasyon. Nangangahulugan na tatlong buwan ang nakalipas bago isinumite ni Demetriou ang aplikasyon kayat siya rin ang nagpatagal dito.
Sa dalawang-pahinang memorandum for evaluation ng DOJ na aprubado ng WPP Secretariat, sinabi na dapat lamang tanggapin sa WPP si Pates dahil sa nalalaman nito sa pagpatay sa beteranang aktres. Nakasaad pa sa memorandum ng DOJ, may isinumiteng testimonya ni Pates sa DOJ kung saan ay sinabi nito na noong Oktubre 25, 2001 ay nagtungo sa kanya ang akusadong si Philip Medel Jr. para tanungin kung sino ang maaaring gamitin para pumatay ng isang artista. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended