^

Metro

Tondo idineklarang nang calamity area

-
Pormal nang idineklara kahapon ng Konseho ng Maynila na "calamity area" ang buong lugar ng Tondo, Maynila dahil sa naganap na gastro-enteritis outbreak kamakailan.

Sinabi ni Vice Mayor Danilo Lacuna, hindi pa umano huli ang lahat upang ideklarang calamity area ang una at ikalawang distrito ng Tondo bunsod pa rin ng hindi matapos-tapos na bilang ng mga residente rito na pumapasok sa iba’t ibang ospital ng Maynila dahil sa pagtatae matapos na makainom ng kontaminadong tubig mula sa Maynilad Waters Services Inc. (MWSI).

Naantala lamang umano ang kanilang pagdedeklara dahil sa paghihintay sa imbestigasyong isinasagawa ng Manila Health Department kung ano at saan ang naging ugat ng kontaminasyon ng tubig.

Bagamat hindi tuwirang inihayag ng konseho ang ilalaang budget sa pagdedeklara ng calamity area, nabatid naman na may natitira pang kabuuang P233,806,288 calamity fund ang lungsod upang pagkuhanan ng gagastusin sa naturang lugar.

Kaugnay nito, binalaan naman ng bise-alkalde ang pamunuan ng MWSI na mananagot ito sakaling lumabas sa mga pagsusuri ng MCHD na sa kanila nanggaling ang ugat ng pagkakontaminado ng naturang tubig sa mga lugar sa Tondo na ikinasawi na ng pito katao at bumiktima pa ng mahigit sa 600 katao dahil sa gastro-enteritis, cholera at diarrhea. (Ulat ni Gemma Amargo)

BAGAMAT

GEMMA AMARGO

KAUGNAY

KONSEHO

MANILA HEALTH DEPARTMENT

MAYNILA

MAYNILAD WATERS SERVICES INC

NAANTALA

PORMAL

VICE MAYOR DANILO LACUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with