^

Metro

32 crew,pasahero sa lumubog na cargo vessel nasagip

-
May 32 pang mga crew at pasahero sa lumubog na cargo vessel dahil sa bagyong Weng at pitong mangingisdang Hapones ang nailigtas ng mga tauhan ng Phil. Coast Guard (PCG).

Sa ulat ni PCG Information Officer Capt. Armand Balilo na nasagip ng mga mangingisda ang mga biktima habang palutang-lutang ang mga ito sa karagatan.

Nabatid na 19 sa mga ito ay nailigtas malapit sa Sico island, habang 13 pa ang nailigtas malapit naman sa Caluya Island sa may Palawan.

Pitong mangingisdang Hapones naman ang nailigtas ng isang cargo vessel sa karagatan ng Northern Luzon matapos na ma-stranded ang mga ito sakay ng isang pangisdang bangkang Shintu Kumaru.

Nabatid na nadaanan ng naturang cargo vessel na patungong Davao ang naturang bangka na nasusunog ang makina. Sinabi ng mga biktima na nasiraan umano sila ng makina nang abutan ng bagyo sa dagat at tangayin ng alon sa karagatan ng Pilipinas.

Inaalam naman ng Coast Guard kung sinadyang pumasok ng mga Hapones sa karagatan ng Pilipinas. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARMAND BALILO

CALUYA ISLAND

COAST GUARD

DANILO GARCIA

HAPONES

INFORMATION OFFICER CAPT

NABATID

NORTHERN LUZON

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with