Bus vs kotse: 11 sugatan
November 18, 2003 | 12:00am
Labing-isa katao kabilang ang isang dating konsehal sa Pasay City ang nasugatan makaraang salpukin ng isang rumaragasang pampasaherong bus ang isang kotse at pagkatapos ay inararo ang isang fastfood chain kahapon ng umaga sa panulukan ng EDSA at Diosdado Macapagal Avenue sa Pasay City.
Dalawa sa mga biktima ang nasa kritikal na kalagayan, ito ay nakilalang sina dating konsehal Matic Fernandez at Ethel Cabrera na kapwa nakasakay sa sinuwag na kotse.
Habang ang ilan pang sugatan ay pawang pasahero sa bus.
Tumakas naman ang driver ng Admiral Transport Corporation bus na nakilala lamang sa alyas na Oscar.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-7:10 ng umaga sa Diosdado Macapagal Avenue sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na unang sinalpok ng rumaragasang bus ang kotseng Nissan Cefiro na minamaneho ni Fernandez bago tuluyang nawalan ng kontrol ang bus at sumalpok sa Chowking Food chain.
Halos pumasok ang unahan ng bus sa foodchain. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest