30-anyos tinarakan,napatay ng tiyo
November 15, 2003 | 12:00am
Namatay ang isang 30-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang sariling tiyo matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa gitna ng inuman, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Patay na nang idating sa Rizal Medical Center ang biktimang nakilalang si Abraham Lersabe, sanhi ng tinamong mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Mabilis namang tumakas ang suspect na tiyo na nakilalang si Dionisio Pabillo.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa harapan ng kanilang bahay sa San Isidro St., Barangay Pineda ng nabanggit na lungsod.
Binanggit pa sa ulat na nag-iinuman ang biktima kasama ang suspect at ilan pang kalalakihan nang biglang magtalo ang dalawa sa hindi pa malinaw na dahilan.
Pansamantalang naawat ang pagdidiskusyon ng mga ito, subalit ilang sandali pa ay tumayo ang biktima at nagpaalam na iihi lamang ito.
Lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan siya ng suspect at saka pinagsasaksak ng patalim habang ito ay nakatalikod at umiihi.
Isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya para madakip ang tumakas na suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended