^

Metro

Tondo isasailalim sa 'state of calamity' dahil sa kontaminadong tubig

-
Dahilan sa patuloy na pagtaas ng mga nabibiktima ng kontaminadong tubig, idedeklara ng konseho ng Maynila ang ‘state of calamity’ sa lugar ng Tondo.

Ayon kay Vice Mayor Danny Lacuna, plano nilang ideklarang ‘state of calamity’ ang lugar ng Tondo sa sandaling matapos ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Health Department upang matukoy ang pinagsimulan ng nasabing sakit.

Nagpahayag naman ng pangamba si Lacuna na posibleng ang naturang balakin ay makulayan ng pulitika dahil baka akalain umano ng iba ay nais lamang niyang magpalabas ng budget ang pamahalaang lungsod.

Hindi pa mabatid ni Lacuna kung magkano ang ipapalabas na budget ng pamahalaang lungsod sa sandaling isailalim sa ‘state of calamity’ ang Tondo.

Samantala, ayon naman kay Clemente San Gabriel ng Sanitation Division na mula sa 755 na kabuuang biktima ng kontaminadong tubig na nakaratay sa iba’t ibang pagamutan sa Maynila ay 25 na lamang ang naiiwan, subalit dalawa pa dito ay nasawi sanhi ng dehydration. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

CLEMENTE SAN GABRIEL

DAHILAN

GEMMA AMARGO

MANILA HEALTH DEPARTMENT

MAYNILA

NAGPAHAYAG

SAMANTALA

SANITATION DIVISION

VICE MAYOR DANNY LACUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with