^

Metro

Lasing nangharang,binoga sa ari

-
Isang lalaki ang nasa kritikal na kondisyon ng barilin sa ari ng hindi pa kilalang suspect makaraang harangin ng una ang motorsiklo ng huli, kahapon ng madaling-araw sa San Juan, Metro Manila.

Ang biktima ay nakilalang si Archie Jacop, ng Libis, Caloocan City ay kasalukuyang ginagamot sa San Juan Medical Center. Isang tama ng bala ng baril sa ari ang tinamo ng biktima.

Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng madaling-araw habang naglalakad ang lasing na biktima sa kahabaan ng Barangay San Perfecto, San Juan.

Pauwi na noon ang biktima buhat sa dinaluhang birthday party at pasuray-suray ito sa daan nang mapadaan ang suspect na lulan ng motorsiklo.

Hinarang umano ng lasing na biktima ang motorsiklo subalit umiwas ang suspect dahilan naman upang mawalan ito ng kontrol at tuluyang tumumba kasama ng motorsiklo.

Sa galit ng lalaki ay kumuha ito ng baril at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa ari.

Matapos ang pamamaril ay pinaharurot ng suspect ang sasakyan at tuluyang tumakas. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ARCHIE JACOP

BARANGAY SAN PERFECTO

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

EDWIN BALASA

HINARANG

ISANG

METRO MANILA

SAN JUAN

SAN JUAN MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with